Aklan News
PUNONG BARANGAY NAGULAT SA PAGSASARA NG MGA TINDAHAN SA KANYANG BARANGAY
LIBAS, Roxas City – Ikinagulat ni Richard Arrojado, Punong Barangay dito nang marami sa mga tindahan sa kanyang barangay ang nagsisara kahapon ng umaga.
Maliban sa kanyang pagkagulat, nagtaka rin ito dahil ikinalat sa halos buong barangay na sila (mga opisyal ng barangay) ang itinuturong nagpasara ng mga tindahang ito.
Dahil dito, pinuntahan ni Arrojado ang alkalde ng syudad upang alamin ang katotohanan ukol dito. Mariing itinanggi ni Mayor Ronnie Dadivas, na siya ang nag-utos upang ipasara ang mga tindahang ito.
Dahil sa pagtungo ni Arrojado sa opisna ng alkalde at nalaman nito na hindi totoo na ipinasa ng nahuli ang mga nasabing tindahan, nagtanong-tanong sila kung paano nangyari ang mga ito.
Lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na nagsagawa ng tax mapping ang local na opisina ng Bureau of Internal Rvenue ng lungsod ng Roxas kahapon sa karatig barangay. Dahil dito, meron daw isang tauhan ang opisina ng alkalde na nagsabi sa mga may-ari ng tindahan na magsara muna dahil nagsasagawa ng tax mapping ang BIR at namultahan ang isang tindahan sa karatig barangay ng humigit kumulang P20,000.00 dahil nahuli daw ito na walang karampatang permiso sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.