Connect with us

Health

Occupancy Rate ng mga COVID-19 ICU bed sa bansa, nananatiling nasa high risk level

Published

on

Halos nasa 75% na ng 4200 na Intensive Care Unit (ICU) beds sa Pilipinas ang okupado na ng COVID-19 patients. Ang kalagayang ito ng mga ICU beds ay masasabing nasa high risk na, pahayag ng DOH, kahapon.

Sa pinaka huling datos mula sa DOH, ipinapakita dito na ang National Capital Region (NCR) ay nasa high risk na rin na may 75% occupancy rate at may 1500 beds in use.

Sinasabing nasa “high risk” ang occupancy rate kapag ang utilization ay lumagpas na sa 70%, ngunit hindi bababa sa 85%.

Samantala, ang mga ward beds para sa Covid-19 patients sa buong bansa at sa NCR ay nasa high risk na din.

Ayon sa DOH, 71% ng 15,400 ward beds sa buong bansa ay okupado na, habang 73% ng 4200 ward beds sa NCR ay okupado na rin.

(Source: MA. ANGELICA GARCIA, GMA News)

Continue Reading