National News
“Bigyan niyo kami ng maayos na plano!!” gobyerno, pinuna dahil sa kanilang last-minute na desisyong gawing MECQ ulit ang NCR
Pinuna ng isang restaurant owner at local official ang last-minute na pahayag ng gobyerno na manatili sa modified enhanced community quarantine (MECQ) status ang Metro Manila.
Inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong Sept. 4 na ilalagay na ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine na may granular lockdowns.
Matapos ang tatlong araw, sinabi ng gobyerno na i-pupush nila ito, sadyang tinatapos na lang nila ang guidelines para sa implementation sa Miyerkules.
Ngunit, binawi ito ng mga officials, at sinabing mananatili sa MECQ ang NCR hanggang maayos yung “experimental policy.”
Dahil sa binawi nilang pahayag, humantong ito sa pagkawala ng pera at nasayang na effort at oras, ayon kina Inchang Mendoza, isang restaurant owner at Manila City Bureau of Permits chief na si Levi Facundo.
Ayon kay Mendoza, naghanda na sila ng kanyang mga staffs para sana sa pinaka-hinihintay na pagbubukas ng kanilang restaurant sa Metro Manila.
Dagdag niya, na nagdudusa na ang mga negosyo dahil sa higit na isang taong restricksyon, pero lalo pa itong naghihirap dahil sa “lack of planning” ng gobyerno.
“Dear goverment, maawa naman kayo sa mga taong sobrang naapektuhan na nagta-trabaho ng maayos!” sinabi niya sa isang Facebook post. “Hindi kayang sumurvive ng small business owner sa ganyang eksena ng gobyerno!!! Bigyan niyo kami ng maayos na plano!!”
Samantala, sinabi ni Facundo na hindi muna nilang ipanag-patuloy ng kanyang team ang iba pang mga importanteng tasks, upang ma-accomodate nila ang opening ng mga essential businesses para sana ngayong Miyerkules.
“I just hate the fact that a lot (of) time was wasted,” sinabi ni Facundo sa isang pahayag na pinost ng Manila Public Information Office. “The most expensive investment we put in is time. We cannot bring it back anymore!”
Hinimok ng Manila City official ang national government na “think thrice” bago sila magpahayag ng anumang anunsyo, para hindi ito humantong sa pagkalito at nasayang na oras at effort.
“Examine before proposing,” aniya. “See if the plan is bulletproof. Plan ahead… It’s not like all these happened only last night. It’s been 16 months!”
(Source: CNN Philippines)