Connect with us

National News

3.07 milyong mga Pilipino, hindi nakahanap ng trabaho nitong Hulyo – PSA

Published

on

Walang trabaho

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, sa gitna ng mga quarantine restriction, 3.07 milyong mga Pilipino ang hindi nakahanap ng trabaho nitong Hulyo.

Nasa 6.9% ang national unemployment rate sa mga may edad na 15 at pataas, batay kay National Statistician Dennis Mapa. Bumaba ito mula sa 7.7% noong Hunyo.

Sinabi niya rin na “slightly better” ang tally noong Huylo kaysa sa naitalang 3.76 milyon noong Hunyo.

Mayroong 41.67 milyong mga tao ang may trabaho noong Hulyo o 93.1% employment rate, kung saan ito’y nag-improve mula sa 45.08 milyong o 92.3% percentage noong Hunyo.

Ngunit, higit na bumaba ang labor force ng bansa, mula sa 48.84 milyon noong Hunyo, naging 44.74 milyon na lamang sa Hulyo. Ang latest tally ay naka-correspond sa 59.8% participation rate ng labor force.

Ayon sa mga nag-participate sa survey, pandemiya at ang mahirap na paghahanap ng trabaho ang dahilan kung bakit hindi sila nakahanap ng trabaho, binanggit ni Mapa.

Naiulat rin ni Mapa, na 20.9% ang underemployment rate sa Hulyo, katumbas nito ang 8.69 milyong mga Pilipino na naghahanap ng karagdagang “work hours” o mas magandang oppurtunidad sa trabaho.

Mas mataas pa ito kumpara noong Hunyo na nasa 14.2%, kung saan 6.41 milyong indibidwal ang underemployed.

Lahat ng mga rehiyon sa bansa tumaas ang underemployment rates maliban sa Metro Manila at Caraga, habang ang MIMAROPA ang nanguna na may underemployment rate na 31.2% mula sa 24.2% noong Hunyo.

Samantala, ang Metro Manila ang may pinakamataas na joblessness rate na nasa 9%, pero bumaba na ito kaysa sa 14% noong Abril.

Ang capital region ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with some restrictions” noong unang bahagi ng Hulyo.

Ang Cordillera Administrative Region naman ang may pinakamababang unemployment rate na nasa 3.8%.

(Source: CNN Philippines)