Connect with us

Iloilo News

MGA ESTABLISYEMENTO KOMERSYAL SA ILOILO CITY, IRE-REQUIRE NG SAFETY SEAL CERTIFICATION

Published

on

Safety Seal Certification

Kailangang mag secure ng safety seal certification ang mga establisyemento komersyal sa Iloilo City para ma-improve ang kapasidad nito sa pag-cater ng mga kustomer.

Ipinahayag ni Jeck Conlu ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, na sa ilalim ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) status ng syudad hanggang katapusan ng Setyembre, papayagan na ang operasyon ng mga non-essential establishments sa kondisyon na fully vaccinated ang mga empleyado at mayroong safety seal certification mula sa gobyerno.

Papayagan naman ang operasyon ng mga restaurants, al fresco at eateries sa 30% capacity pero kung fully vaccinated ang empleyado at may safety seal certification, pwedeng iakyat sa 50% ang kapasidad sa pag-cater ng nga kustomer.

Hinihikayat din ang lahat na nagtatrabaho at mga indibidwal na araw-araw na lumalabas sa kanilang bahay na magpabakuna kontra COVID-19.

Continue Reading