Aklan News
KALIBO PNP, MAY BAGO NG HEPE


Pinalitan na ang hepe ng Kalibo PNP na si PLt. Col. Belshazzar Villanoche.
Nabatid na epektibo ang kanyang relieve order nitong nakaraang Huwebes, at nakapagpasalamat pa ito kahapon sa kanyang mga kasama sa Kalibo PNP Station sa pamamagitan ng munting salu-salo.
Samantala, papalit naman sa kanya bilang OIC Chief of Police ang naka assign dati sa Aklan PPO na si Police Major Jason Belciña.
Magugunitang naglingkod bilang OIC (Officer in Charge) si Villanoche ng 1 taon at 7 buwan, kung saan isa sa mga naging hamon sa kanya ang pagpapatupad ng mga Covid 19 Health Protocols sa bayan ng Kalibo.
Continue Reading