Health
Nagamit na ang 77% ng COVID-19 ICU Beds sa bansa – DOH
![77% ICU Beds Used](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/09/77-ICU-Beds-Used.jpg)
![77% ICU Beds Used](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/09/77-ICU-Beds-Used.jpg)
Ayon sa Department of Health (DOH) nitong Linggo, nagamit na ang 77% ng mga COVID-19 intensive care unit beds sa Pilipinas.
Pinapakita ng latest data mula sa DOH na 78% ng kabuuang 1,400 ICU beds sa National Capital Region ay nagamit na rin, kung saan ito’y nasa high-risk category.
Kinokonsiderang high-risk ang occupancy rate kung ito’y higit 70% ngunit mas mababa sa 85%.
Habang, 57% naman ng 3,300 mechanical ventilators ng bansa ay nagamit na rin, samantala, 61% ng 1,200 ventilators sa Metro Manila ang occupied na.
Nitong Linggo, may naitalang 21,411 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas, dahil dito, tumaas ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa 181,951.
Sa 181,951 aktibong kaso, 86% ay may mild na sintomas, 9.5% ay asymptomatic, 2.59% ay moderate, at 0.6% ay nasa critical condition.
Mayroong kabuuang 2,227,367 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 2,010,271 na ang naka-recover, habang 35,145 ang namatay.
(Source: GMA News)