Connect with us

Aklan News

5 DELTA VARIANTS NG COVID 19, NADAGDAG SA AKLAN

Published

on

Nadagdagan na naman ng 5 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang lalawigan ng Aklan.

Pero batay sa anunsyo ng Aklan Provincial Health Office (PHO) ngayong umaga, apat mula sa mga ito ay tuluyan nang gumaling at isa naman ang nasawi.

Tatlo sa mga naitalang kaso ay mula sa bayan ng Banga at dalawa naman ang sa Ibajay.

Nakipag-ugnayan na ang Aklan PHO sa mga Local Government Unit na nakalista ng Delta variant.
Magsasagawa rin sila ng active surveillance at back tracing para matukoy ang pinagmulan ng virus.

Matatandaan na nakapagtala ang Aklan ng 21 kaso ng Delta variant noong Agosto 24 kung saan 20 ang gumaling at isa rin ang nasawi.

Ang Delta variant na mula sa India ay kayang makahawa ng hanggang 8 katao sa loob ng 1-2 minuto.