Aklan News
Termino ng Boracay task force pinalawig ni PDU30 ng hanggang Hunyo 2022
Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na responsable sa pamamahala ng rehabilitasyon ng Boracay Island hanggang sa katapusan ng kanyang termino.
Sa ilalim ng EO 147, ang termino ng BIATF ay ng hanggang sa Hunyo 30, 2022 na, maliban na lang kung i-extended o wakasan na ng pangulo.
Nabuo ang BIATF sa pamamagitan ng EO 53 na pirmado ni Duterte noong Mayo 18, 2018 para pangunahan ang rehabilitasyon at matiyak ang ecological sustainability ng Boracay.
Magtatapos sana ang termino nito dalawang taon mula nang ito ay itatag pero na-extend ng hanggang Mayo 8, 2021 sa pamamagitan ng EO 115.
Ngayon, dinagdagan pa ni Duterte ang termino ng BIATF ng isa pang taon para masiguro na matatapos ang Boracay Action Plan hanggang 2022.
“The COVID-19 pandemic and the imposition of community quarantine measures have resulted in unprecedented delays and massive disruptions on the implementation of critical programs and projects based on the key thematic areas of Boracay Action Plan.
“Therefore, I, President Duterte, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby order that the Task Force shall be deemed dissolved on June 30, 2022 unless extended or sooner terminated by the President,”
Nakasaad sa bagong EO na nasa 80% na o 271 mula sa 339 na establisyemento sa Boracay ang compliant sa “25 + five-meter beach easement,” habang 83% naman o 1,017 mula sa 1,230 kabuuang istruktura ang compliant sa “12-meter road easement.”
Nakapaghanda na rin ang Department of Environment and Natural Resources ng 163 kaso laban sa illegal occupants ng forestlands. 54 mula sa nasabing bilang ang naisampa sa korte ng Department of Justice, National Bureau of Investigation, Provincial Environment and Natural Resources Office at Natural Resources office ng Boracay.