Connect with us

TODO Espesyal

USB cable, na-stuck sa ‘patotoy’ ng isang bagets dahil sa kagustuhang masukat ang haba

Published

on

Napahamak ang isang 15-anyos na binatilyo sa UK matapos maospital nang ma-stuck sa butas ng kanyang “pototoy” ang kable ng USB nang maisipan niya itong ipasok doon.

Dumaan sa matinding operasyon ang hindi na pinangalanang binata, na dahil lang umano sa kuryosidad ay ginawa ang naturang ‘sexperiment.’

Nagmistulang karagdagang daanan ng ihi ang USB cable na nagpaikot-ikot na sa pantog ng binata.

Ilang beses na siyang nagtangkang hilahin palabas ang USB cord pero hindi ito nagtagumpay

Dinala ang binata sa ospital nang magsimula na siyang umihi ng dugo.

Nagtagumpay naman ang mga doktor sa pag-alis ng bagay na ipinasok ng binatilyo mula sa labasan ng kanyang ihi.

Agad naman na nakalabas ng ospital ang teenager kinabukasan, pero kailangan niya pa rin na sumailalim sa follow-up scan pagkaraan ng dalawang linggo.

Ang pagpasok ng mga bagay sa pribadong parte ng ating katawan ay maaaring maging sanhi ng komplikasyon, urinary track infection o urethral injury ayon sa London andrologist na si Amr Raheem.

Continue Reading