Connect with us

Aklan News

1,616 TURISTA, BUMISITA SA BORACAY SA LOOB NG 19 ARAW

Published

on

Photo| Boracay Informer Note: This photo is for illustration purposes only

Unti-unti na muling dinarayo ng mga turista ang isla nang Boracay mula nang buksan ito noong Setyembre.

Kasalukuyang nasa 1,616 na ang naitatalang bumisita sa isla sa loob ng 19 araw simula Setyembre 1-19 batay sa datos ng Malay Tourism Office.

Sa nasabing bilang, nangunguna ang mga taga National Capital Region (NCR) na may 954, Aklan na may 250, Central Luzon na may 145, 90 sa CALABARZON, 86 sa Western Visayas, 25 sa Central Visayas, 18 sa Bicol Region, 14 sa Ilocos Region, 11 sa Cordillera Administrative Region (CAR), tig 9 sa Eastern Visayas at Davao Region, 2 sa Zamboanga at isa sa MIMAROPA.

Mas marami ang bilang ng mga lalaking turista na umabot sa 852 habang 764 naman ang mga kababaihan.

Batay pa rin sa datos, 1504 ang may edad 13-59 taong gulang, 80 ang 1-12 taong gulang at 32 ang 60 above.

Magugunitang binuksan ang isla ng Boracay para sa mga turista matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa general community quarantine o GCQ noong Setyembre 8.

Gayunpaman, mahigpit na ipatutupad ang mga patakaran sa isla sa ilalim ng GCQ.

Kabilang pa rin sa mga patakaran ang pagpapakita ng proof of booking sa accredited hotels, QR code, at negative result ng RT-PCR test na ginawa 72 hours bago ang pagbiyahe.