TODO Espesyal
Teenager na inakalang may appendicitis, nanganak ng ‘surprise baby’
Isinugod sa ospital ang 19-anyos na si Nadia Rhoads ng Ohio, USA sa pag-aakalang mayroon siyang appendicitis dahil sa labis na pananakit ng tagiliran at likod.
Pero ikinagulat nila nang sabihin ng doktor na buntis siya at manganganak na nang dalhin siya ng kanyang kasintahan na si Brad O’Donnell, 22, sa St Joseph Hospital sa Warren, Ohio, US.
Hindi lubos akalain ni Nadia na nagdadalantao siya gayong ilang taon na siyang naka birth control, hindi rin dumagdag ang kanyang timbang at buwan-buwan pa rin siyang nireregla.
“I had no signs at all of being pregnant. I was on birth control, I was having a period every month. I wasn’t gaining any weight,” lahad ni Nadia sa isang panayam.
‘I was just so shocked. I texted my mum and I sent her a picture of the monitors and I was like: “Um I’m in labour, just thought you should know!”
“She called me back freaking out but she was really happy,” kwento pa niya.
Umiinom si Nadia ng contraceptive pill habang ipinagbubuntis ang anak na si Delaney nitong mga Abril 15, 2020, kaya hindi pumasok sa isip niya ang posibilidad na siya ay buntis.
Naging “spotty” rin daw ang kanyang regla pero buwan-buwan pa rin itong dumarating at nanatili pa rin ang kanyang timbang sa normal.
Pero naging antukin daw si Nadia at ilang beses din siyang nakaranas ng pananakit ng ulo.
Maayos naman na isinilang ni Nadia si Baby Delaney Mae O’Donnell, na tumimbang ng 6 lbs at 11 oz.
“I didn’t know what to think at first. I definitely did well for as soon as they told me that I was pregnant. It was really weird. Just because I was meeting this whole new person that’s been inside of me for nine months but I had no idea about,” ani Nadia.