Connect with us

Iloilo News

DEPED ILOILO, UMAPELA NG KOORDINASYON SA MGA MAGULANG PARA MAPIGILAN ANG ONLINE KOPYAHAN

Published

on

Muling nanawagan si DepEd Iloilo Public Information Officer Leonil Salvilla kasunod sa isyu sa online cheating ng mga estudyante sa ikalawang taon ng distance learning.

“Wala gid sang maayo nga dala ang pagpang-ilog kag mangin makaluluoy sa ulihi ang mga estudyante nga nagapartisipar diri,” paliwanag ni Salvilla.

Giit pa nito, kapag nangongyopya ang mga estudyante wala silang matututunan pagdating sa kolehiyo o sa mas mataas na year level.

Apela ng opisyal, sana’y ma-monitor ng mga magulang ang kanilang mga anak kung may ‘involve’ sa kanila sa online cheating para agad itong mapigilan.

Sa ngayon may hakbang na ang DepEd central office ayon kay Salvilla para matigil ang naturang gawain.

Kasalukuyang may development na rin umano ang imbestigasyon ng Philippine National Police kaugnay sa online cheating.