Connect with us

International News

7K indibidwal, nagsilikas dahil sa pag-alburoto ng bulkan sa Canary Islands, Spain

Published

on

Photo| Unsplash

Patuloy sa pag-agos ng lava sa isla ng La Palma sa Spain dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Cumbre Vieja simula pa noong Linggo.

Umabot na sa 180 gusali ang nasira at mahigit 7,000 katao na ang sapilitang inilikas sa La Palma na parte ng Canary Islands sa Morocco.

Nasa 400 turista rin ang nailikas sa karatig isla ng Tenerife ayon sa mga awtoridad.

Pinangangambahan ngayon ng mga opisyal ang mga maiinit na lava na tumatama sa dagat na maaring maging sanhi ng thermal shock na maglalabas ng ulap ng toxic gas na magdudulot ng acid rain sa sikat na tourist destination.

Pinayuhan na ng mga awtoridad ang mga tao na lumayo sa lugar.

Samantala, wala pa namang naitaltaang casualties sa kabila ng pag-a-alboroto ng bulkan

Ito ang kauna-unahang pagputok ng bulkan makaraan ang 50 taon.