Business
McDonald’s PH, nagbabala laban sa mga pekeng sites na nag-ooffer ng discounts
Nagbabala ang McDonald’s Philippines sa publiko hinggil sa mga websites na nag-ooffer umano ng mga produktong na naka-discounted ang presyo at may logo pa ng McDo.
Nanawagan rin ang food giant sa publiko na mag-order lamang sa pamamagitan ng kanilang official channels tulad ng official website ng McDo. Hinimok rin nila ang kanilang customers na iulat ang mga pekeng sites sa pamamagitan ng email.
“The company is committed to ensure the safety of our consumers not just when they enjoy their favorite McDonald’s meals, but also as they share credentials when they use its various ecommerce platforms,” pahayag nila, batay sa ulat ng GMA News.
“The public is likewise encouraged to be extra careful and to conduct transactions only on official and verified sites,” dagdag nila.
Ma-aavail ang produkto ng McDonalds sa pamamagitan ng kanilang website, official mobile app, official Facebook page at sa mga third-party deliveries tulad ng Grab, FoodPanda, Lazada, Pickaroo, at GLife.
Noong Hunyo, sinabi ni Managing Director ng McDonald’s Philippines, na si Margot Torres na karamihan sa sales ng kumpanya ay nanggaling sa drive-through at delivery services, kung saan 70% ito ng kanilang sales.
(Source: GMA News)