Connect with us

National News

PILIPINAS, MULING NA-CLASSIFY NG DOH NA MODERATE RISK SA COVID-19 DAHIL SA PAGBABA NG KASO

Published

on

Photo: ABS CBN

BUMABA na sa “ moderate risk ang estado ng COVID-19 sa bansa mula sa pagiging “high risk” batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, bumaba ang classification sa bansa matapos sumadsad sa 4 na porsiyento ang bilang ng tinamaan ng sakit nitong nakaraang 2 linggo.

Mababatid na ang Pilipinas ang nasa high-risk classification sa loob ng isang buwan bago ito muling e-reclasify.

“Over the past month we’ve seen our growth rates slowing down. Kaya lang nagiging maingat tayo. Hindi tayo tumitingin sa 1 o 2 metrics,” saad ni De Guzman.

Siyam ka rehiyon ang nanatiling high-risk sa COVID-19, kabilang dito ang Regions 1, 2, 4B, 5, 6, 9, 12, CAR, at Caraga.

Samantala, nasa moderate risk naman ang Metro Manila, Regions 3, 4A, 7,8, 10,11, at BARMM.

Paliwanag pa ng DOH, nasa moderate risk ang COVID-19 bed utilization at mechanical ventilator utilization habang high risk naman ang ICU occupancy rate sa bansa.

Continue Reading