Connect with us

International News

Lalaking 22 taon nang nawawala, natagpuan sa tulong ng teknolohiya

Natuldukan na ang misteryosong pagkawala ng isang lalaki sa Florida, USA makalipas ang higit dalawang dekada.

Published

on

Makikita ang nakalubog na sasakyan ni William Moldt sa isang lawa sa Florida, USA. Larawan mula sa livescience.com

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, natunton sa Wellington, Florida ang sasakyan ni William Moldt, at ang kaniyang mga labi na nasa driver’s seat.

Sinasabing huling nakitang buhay si Moldt noong Nobyembre 8, 1997. Tumawag pa umano ito sa kasintahan bandang 9:30 ng gabi,  at namataang  palabas ng isang local bar bandang 11:00 ng gabi. Pagkatapos nito ay wala ng narinig pa sa kaniya. Kuwarenta años noon ang biktima.

Nitong buwan ng Septyembre, isang dating residente ng lugar kung saan natagpuan ang sasakyan ng biktima, ang gumamit ng Google Earth upang i-scan ang kaniyang dating tirahan. Dito niya namataan ang sasakyan ng biktima na nakalubog sa lawa. Dahil dito, tinawagan niya ang bagong may-ari ng kaniyang dating tinitirhan tungkol sya kaniyang nakita.

Gamit ang drone, sinuri nito ang lawa at kinumpirma na naroon nga ang sasakyan. Agad itong ipinagbigay-alam sa Palm Beach County Sheriff’s Office na agad namang nagsagawa ng retrieval operations.

Punong puno ng calcium deposits ang nasabing sasakyan, patunay na matagal na itong nakalubog sa tubig. Isinailalim sa mga tests ang nadiskubreng labi at kinumpirmang ito nga ang nawawalang si William Moldt.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon, at sa kasalukuyan ay nanatili pa ring palaisipan kung paanong napadpad sa ilalim ng lawa ang sasakyan ni Moldt.

Source: livescience.com