Aklan News
ILANG TODA SA KALIBO, MAKAKATANGGAP NG AYUDA MULA KAY SEN. BONG GO
Kinumpirma ni Mayor Emerson Lachica na may ayudang matatanggap ang mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Lachica ito ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula kay Senator Bong Go.
Sa panayam ng Radyo Todo sinabi ng alkalde na makakatanggap ang mga toda ng tig-3,000 pesos bawat isa.
Dagdag pa ni Lachica na may nauna na siyang request kay Sen. Go para dito ngunit ang naunang dumating ay ang request ni Sangguniang Bayan member Matt Guzman para sa mga Toda.
Kaugnay nito nilinaw din ni Lachica na ito ang hinihingan ng Certificate of Indigency ng mga tricycle driver at operators kung saan maaalalang nagkaroon ng kontrobersiya sa Barangay Tigayon dahil dito.
Binigyan-diin ng alkalde na maaring hindi lahat ng mga miyembro ng Toda sa Kalibo ang makakatanggap nito dahil hindi na puwedeng bigyan ang mga indibidwal na nauna nang nakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) o iba pang tulong-pinansyal sa ilalaim ng programa ng gobyerno.
Ipinaliwanag rin ni Lachica na beberipikahin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 ang mga listahan ng asosasyon upang maiwasang may makatanggap ng doble at nang makatanggap din ang lahat ng mamamayan ng Kalibo.