Aklan News
WALANG KINALAMAN SA BIDA ANG GINAGAWA NG BIATF – BERNARDINO


Itinangggi ng Boracay Inter-Agency task Force (BIATF) na may kinalaman sa panukalang Boracay Island Developent Authority (BIDA) Bill ang mga ginagawa nilang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.
Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay BIATF General Manager Natividad Bernardino, sinabi niya na walang kinalaman ang BIDA sa mga ginagawa ng Task Force dahil wala pa naman ang BIDA.
“Wala pa namang BIDA, itong ginagawa namin mandato ito ng Boracay Inter-Agency task Force. Whether nariyan yung bida o hindi, gagawin namin to,” saad ni Bernardino.
Ayon pa kay Bernardino, naapektuhan ng pandemya ang kanilang mga proyekto sa isla kaya na-extend ito.
Humihingi ito nayon ng suporta at kooperasyon sa mga residente para mabuhay muli ang turismo sa isla.
Matatandaan na nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang BIDA Bill.