Connect with us

Iloilo News

PANUKALANG BATAS NA MAG-E-EXPAND NG MORE POWER FRANCHISE SA 15 BAYAN SA ILOILO, APRUBADO NA SA COMMITTEE LEVEL

Published

on

APRUBADO na sa committee level ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill 10271 na nagsusulong na palawigin pa ang franchise area ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa 15 bayan sa probinsya ng Iloilo.

Layon ng House Bill 10271 na amyendahan ang franchise ng MORE Power sa iba’t-ibang bayan sa Second at Fourth District ng Iloilo.

Ang naturang bill ay iniakda nila 2nd District Iloilo Congressman Michael Gorriceta at 4th District Iloilo Braeden John Biron.

Ayon kay Cong. Gorriceta, may inirekomenda na amendment ang Energy Regulatory Commission sa Republic Act No. 11212 na nagbibigay ng 25 years franchise sa MORE Power.

Nagrekomenda din ang Department of Energy na magsagawa ng consultation panel kasama ang ERC, National Electrification Administration (NEA) at Iloilo Electric Cooperatives para pag-usapan ang potential study at impact sa ILECO sa pag-amend ng prangkisa ng MORE.

Paliwanag naman ni MORE Power President Roel Castro, kapag maaprubahan ang amendment sa kanilang prangkisa, magpapatayo sila ng pasilidad sa probinsya at handang mag-collaborate sa mga electric cooperatives.

Sa ilalim ng nasabing bill kabilang ang 15 bayan sa probinsya ng Iloilo: Alimodian, Leganes, Leon, New Lucena, Pavia, San Miguel, Santa Barbara at Zarraga sa Second District; Anilao, Banate, Barotac Nuevo, Dingle, Duenas, Dumangas at San Enrique at Passi City sa Fourth District.