Connect with us

Aklan News

BORDER CHECKPOINT PAPASOK SA KALIBO, TINANGGAL NA!

Published

on

Tinanggal na ang lahat ng mga border checkpoints papasok sa bayan ng Kalibo ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 1.

Ito ang kinumpirma ni Kalibo Mayor Emerson Lachica sa panayam ng Radyo Todo kasunod ng isailalim ang probinsiya ng Aklan sa General Community Quarantine (GCQ).

Ngunit ayon kay Lachica ito ay temporaryo lamang at ina-antay nila ang dagdag na abiso mula kay Aklan Governor Joeben Miraflores para sa mga panuntunan sa ilalim ng GCQ.

Ayon pa sa alkalde na tinggal na ang mga border checkpoints dahil hanggang Setyembre 30 lang ang napagkasunduan nila ng Kalibo PNP sa pagsasagawa ng checkpoint.

Malaking bagay rin umano ito para sa hanay ng mga kapulisan upang sila ay makapagpahinga habang nag-aantay ng pormal na guidelines mula sa Provincial Inter-Agency Task Force.

Dagdag pa nito mabibigyan rin ng pagkakataon ang mga negosyante na mai-angat ang kanilang kabuhayan dahil kasabay ng pagdagdag ng tao ay ang pagdadag din umano ng kita sa sektor ng pananalapi.

Samantala, mahigpit naman ang paalala ni Lachica sa mga papasok sa bayan ng Kalibo na sundin ang tamang health protocols na ipinapatupad ng gobyerno at huwag magpakampante.