Aklan News
J&J VACCINE PARA SA MGA KALIBONHON, ASAHAN
Inaasahang darating sa bayan ng Kalibo ang bakunang Johnson & Johnson’s Jansen vaccine mula sa National Vaccination Operation Center (NVOC) sa mga susunod na araw.
Ito ay kasunod ng naging tugon ni Sec. Carlito Galvez Jr. Chief Implementor and Vaccine Czar ng National Task Force against COVID-19 sa apela ni Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino na mabigyan ng dagdag na alokasyon ng bakuna ang bayan ng Kalibo.
Ayon kay Tolentino, lubos siyang nasisiyahan sa naging tugon ni Galvez dahil dito ay mas maraming Kalibonhon ang mababakunahan kontra COVID-19.
Dahil dito ay balak rin umano ng konsehal na gumawa ng resolusyon upang mapasalamatan si Sec. Galvez at ang national government.
Dagdag pa ni SB Tolentino kailangan lamang ng pagtutulungan upang malaban ang COVID-19 gayundin na hinihikayat nito ang lahat na magpabakuna.
Samantala, ipinasiguro naman ng National Task Force on COVID-19 ang kanilang patuloy na pagbibigay ng libre, ligtas at epektibong bakuna sa lahat.