Connect with us

Agriculture

RESOLUSYON NA NAGLALAYONG IBIGAY SA MGA KANYA-KANYANG BARANGAY ANG MGA COVID-19 VACCINE NA HINDI PA NAGAGAMIT, IPINASA NI EX-OFFICIO MEMBER MARTE

Published

on

Nagpasa ng isang resolusyon si Ex-Officio member Ronald Marte sa Sangguniang Bayan na umaapela sa lokal na punong ehekutibo ng Kalibo na ang mga alokasyong COVID-19 vaccine na hindi nagamit ay ibigay sa mga barangay sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Marte na nilalayon nitong resolusyon na awtomatikong ibigay sa mga barangay ang mga bakunang hindi pa nagagamit upang magamit ng mga nasa waiting list o ng ibang hindi pa nababakunahan.

Paglilinaw ng opisyal na hindi literal na hinihingi nila ang naturang bakuna upang ibigay sa mga barangay kundi nasa kostudiya pa rin aniya ito ng Municipal Health Office (MHO).

Dagdag pa nito na ang MHO pa rin ang magsasagawa ng pagbabakuna sa mga mamamayan.

Ang nais niya lamang aniya ay mapunta ito sa dapat pagbigyan o ang nasa priority list at hindi iyong basta na lamang ibibigay sa mga kakilala ng kinauukulan.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Marte na layon lamang nitong mabakunahan ang lahat kontra sa COVID-19.

Sa pamamagitan rin umano nito ay magkakaroon sila ng numero kung sinu-sino pa ang mga hindi nababakunahan sa bawat kategorya at mahikayat silang magpabakuna na at huwag mangamba sa bakuna.