Connect with us

Capiz News

Misis nahuli ni mister sa boarding house kasama ang kaniyang ‘friend’

Published

on

Naaktuhan ni mister ang kaniyang misis kasama ang isang lalaki sa isang boarding house dito sa Bangbang St., Roxas City, Capiz.

Ayon sa mister, nagpaalam umano sa kaniya ang misis na pumunta sa boarding house ng kaniyang friend.

Lingid sa kaalaman ng babae ay sinundan siya ni mister. Dito ay naaktuhan ni mister ang misis na kasama ang kaniyang lalaki na kaniya umanong ‘friend’.

Nagkaroon ng komosyon matapos pasukin ng mister ang kuwarto kung saan naroon ang kaniyang misis at ang lalaki nito.

Naniniwala si mister na may nangyari sa kaniyang misis at ang ‘friend’ nito bagay na pinabaluanan ng huli.

Nabatid na bago ang insidente ay may hindi pagkakaintindihan ang mister at ang misis nito.

Nasa kostudiya ngayon ng Roxas City PNP Station ang misis at posibleng kasuhan ng kaniyang mister ng kasong Adultery.

Continue Reading