Connect with us

Aklan News

BORACAY TOURIST ARRIVAL SA LOOB NG 10 ARAW, LUMOBO NA SA HALOS 7K

Published

on

Photo Courtesy: Jack Jarilla

Unti-unti na muling nanumbalik ang dami ng mga naililistang tourist arrivals sa isla ng Boracay.

Base sa pinakabagong datos na inilabas ng Malay Tourism Office, nasa 6,925 na o halos pitong libo ang bilang ng mga nagbakasyon sa isla sa loob lamang ng sampung araw mula Oktubre 1-10.

Mas mataas ang bilang na ito kung ikukumpara sa dami ng bumisita sa isla nitong nakaraang buwan ng Setyembre na nasa 6,702 lamang.

National Capital Region (NCR) parin ang nangunguna na nakapagtala ng 5,125 tourist arrivals.
Sinundan naman ito ng CALABARZON na may 476 at 475 na Aklanons.

Mas marami ang bilang ng mga babaeng turista na may 3,490 habang 3,435 naman ang babae.

Batay pa rin sa datos, 6,499 ang may edad 13-59 taong gulang, 314 ang 1-12 taong gulang at 112 ang 60 above.

Magugunitang binuksan ang isla ng Boracay para sa mga turista matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa general community quarantine o GCQ noong Setyembre 8, mula noon ay nagtuloy-tuloy na ito dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Aklan.