Connect with us

Aklan News

UNANG ARAW NG EXTENSION OF VOTER’S REGISTRATION SA AKLAN, MAGANDA AT MATAGUMPAY

Published

on

Naging maganda at matagumpay ang resulta ng unang araw ng ekstensyon ng voter’s registration sa probinsiya ng Aklan.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo ito ay kasunod ng epektibo nilang panawagan sa lahat na magparehistro upang makaboto sa darating na 2022 National and Local Elections.

Aniya naging maganda ang statistics sa bawat municipal comelec offices para sa unang araw ng voter’s registration extention dahil marami ang mga taong nagpunta sa kani-kanilang comelec offices at nagparehistro.

Ang voter’s registration ay pinalawig kung saan muling binuksan kahapon, Oktubre 11, ang mga registration centers at opisina ng COMELEC para tumanggap ng aplikasyon sa voters registration magtatapos sa katapusan ng buwan.

Ito ay kasunod ng panawagan ng iba’t ibang sektor at Kongreso na magbigay ng ekstensyon sa pagpaparehistro na ina¬prubahan naman ng Comelec en banc.

Kaugnay nito, umaasa si Gerardo na magiging tuloy-tuloy na ang magandang pagresponde ng mga magpaparehistro sa isinasagawang ekstensyon ng COMELEC.

Ang iniiwasan lamang aniya ay ang pagdagsa ng tao sa huling araw ng extention sa katapusan ng buwan.