Connect with us

International News

26 KABATAAN PATAY SA SUNOG SA ISANG BOARDING SCHOOL SA LIBERIA

Published

on

A man reacts as a burial team and rescue workers prepare to take the bodies of pupils and two teacher, who were killed in an overnight fire at a Koranic school, to the burial site, in Monrovia, Liberia, on September 18, 2019. (Photo by AFP)

Napatay ang 26 na kabataan nang masunog ang isang boarding school sa Monrovia sa Liberia, nitong gabi ng Miyerkules.

Batay kay Presidential Press Secretary Isaac Solo Kelgbeh, natutulog ang mga mag-aaral ng Koranic school sa dormitoryo malapit sa Mosque sa Paynesville City nang sumiklab ang sunog.

Base sa impormasyon, pawang nasa 10 anyos ang edad ng ibang kabataan.

Wala umanong fire exit ang mga gusali at mayroong security steel bars ang mga bintana rason bakit nahirapan makalabas ang mga biktima.

Kasama sa nasawi ang dalawang guro ng paaralan. 

Ayon kay Police spokesman Moses Carter, electrical problem ang isang anggulong tinitingnan na dahilan ng sunog ngunit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Pahayag naman ng isang saksi na si Pastor Emmanuel Herbert, mula sa isang kalapit na simbahan, nagising siya at ang kanyang mga kasama sa lakas ng pagsiklab ng apoy kaya’t agad itong tumawag ng tulong.

“When I turned around to look the entire place was red. When I looked through the window, I saw the whole place blazing with fire, the fire was so strong there was no way to enter the buildings ” saad ng pastor.

Samantala, agad naman na binisita ni Liberian President George Weah ang lugar ng sunog.

“I was touched by the terrible news and decided to rush here to see for myself the families of the children and the community leadership to extend my sympathy,” wika ni Weah.

“It is saddening even when a single citizen dies; what much more about 28 children, potential leaders, who were aspiring for a better and prosperous future,” ani ng presidente.