Connect with us

Weather

Bagyong Maring naka-alis na sa PAR; Luzon at Western Visayas maapektuhan ng Habagat

Published

on

weather forecast

Nakaalis na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Maring at tinanggal na ng PAGASA lahat ng mga tropical cyclone warning signals sa bansa, habang magiging maulan pa rin ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa Habagat.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon Martes, October 12, may siyam na tao ang namatay dahil sa hagupit ng Bagyon Maring sa northern Luzon at Mimaropa.

Ayon sa PAGASA, maapektuhan ang Luzon at ang Western Visayas ng southwest monsoon o habagat.

Makakaranas ng cloudy skies na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Metro Manila, ang natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas, na may possibleg flash floods o landslides na dulot ng moderate na may paminsan minsang heavy rains.

Habang ang ibang bahagi ng Pilipinas ay makakaranas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa mga localized thunderstorms, at possible ring magkaroon ng flash floods o landslides.

Samantala, nanatiling “risky” ang pagpapalaot ang mga maliliit na bangka sa dagat sapagkat moderate hanggang rough seas ang mangingibabaw sa seaboards ng Luzon at western seaboards ng Visayas at Mindanao.

(GMA News)