TODO Espesyal
Pagiging LGB ng anak, hirap pa ring tanggapin ng mga magulang kahit lumipas na ang ilang taon


Kung mahirap para sa mga anak na umaming sila ay bakla, tomboy, o bisexual, mahirap din daw para sa mga magulang nila na tanggapin ito. Ayon sa resulta ng pag-aaral na inilabas kamakailan lang, karamihan sa mga magulang na kanilang kinapanayam ay sumagot na “moderately or very hard” para sa kanila na tanggapin na miyembro ng LGB ang kanilang anak. Dagdag pa rito, mahirap pa rin para sa mga magulang na tanggapin ang sexual orientation ng kanilang mga anak kahit na lagpas dalawang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pag-amin.
Mahalaga ang mga impormasyon na ito sapagkat nakita sa mga naunang pag-aaral na ang mga magulang na hindi makapag adjust sa gender ng kanilang anak ay may mataas na tsansa na maging sobrang mapagkondena at magpakita ng negative behaviors na maaari namang makaapekto sa mental health ng kanilang mga anak.
Ayon sa naunang pag-aaral nina Dr. David Huebner, associate professor ng prevention and community health sa George Washington University Milken Institute School of Public Health, kapag i-reject ng mga magulang ang kanilang mga anak, kahit sa kaunting panahon lang, maaaring maapektuhan nito ang relasyon nilang mag-nanay o mag-tatay. Ang mga anak ay magkakaroon ng mas matas na tsansa na magkaroon ng depression. Magiging prone din sila sa pagkitil ng sariling buhay, paggamit na droga, at iba pang panganib.
“Surprisingly, we found that parents who knew about a child’s sexual orientation for two years struggled as much as parents who had recently learned the news,” ani Huebner. “Two years is a very long time in the life of a child who is faced with the stress of a disapproving or rejecting parent.”
Sa naturang pagsasaliksik, pinag-aralan ni Huber at ng kanyang mga kasama ang higit sa 1,200 magulang ng mga kabataang LGB edad 10 hanggang 25. Tinanong nila ang mga respondents ng: “How hard is it for you, knowing that your son or daughter is gay, lesbian or bisexual?” Ang mga magulang ay sumagot gamit ang five-point scale of magnitude na “not at all hard” hanggang “extremely hard”.
Napag-alaman din sa nasabing pananaliksik na ang mga magulang ay nag-aalala na baka mas mahirapan ang kanilang anak na mamuhay dahil sa kanilang sexual orientation. Natatakot sila na baka maging biktima ng pambu-bully at harassment ang kanilang mga anak. Sabi pa ni Huebner, may mga magulang naman na nangangailangan lang daw ng mas mahabang panahon para makapag-adjust sapagkat nasanay na sila sa ini-imagine nilang traditional heterosexual future para sa kanilang anak.
Ngunit kahit na labis na nagulat ang mga magulang noon unang narinig na LGB ang kanilang mga anak, hindi pa rin daw nawawala ang kanilang labis na pagmamahal sa anak, ani Huebner. Nakakapag-adjust din naman daw ang mga magulang kinalaunan.
“Our results suggest interventions to speed up the adjustment process would help not only the parents but also their children,” sabi ni Huebner. “LGB youth with accepting families are more likely to thrive as they enter adulthood.”
