Connect with us

Aklan News

PAGBILI NG P1-MILLION TARPAULIN PRINTING MACHINE NG LGU-KALIBO, HINDI MUNA MATUTULOY

Published

on

Photo Courtesy: carousell.ph

Kinumpirma ni Mayor Emerson Lachica na hindi na matutuloy ang pagbili ng Local Government Unit o LGU-Kalibo ng tarpaulin printing machine na nagkakahalaga ng P1-million pesos.

Ayon kay Lachica na ito ay plano pa lamang sana ng LGU-Kalibo kung saan layunin nitong magkaroon ng karagdagang source of income ang tanggapan ng Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO) na lubos na naapektuhan dahil sa pandemya.

Aniya gagamitin sana ang nasabing tarpaulin printing machine sa pag-imprenta ng mga promotional materials para sa mga programa ng lokal na gobyerno ng Kalibo.

Matatandaan na naging malaking isyu ito kung saan tinutulan ng ilang miyembro ng Kalibo Sangguniang Bayan at lumabas ang mga alegasyon na bibilhin ito upang gamitin sa darating na eleksyon.

Nauna nang pinabulaanan ito sa Radyo Todo ni MEEDO head Ms. Mary Gay Joel, kung saan ang layunin umano ng planong pagbili nito ay upang madagdagan ang income ng kanilang opisina.

Napag-alaman na gumastos na diumano ang LGU-Kalibo mula Enero hanggang Setyembre 2021 ng halos P507,000 para lamang sa tarpaulin printing.