Capiz News
43-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA MAAYON, CAPIZ SA KASONG THEFT
Isang 43-anyos na lalaki ang inaresto ng kapulisan sa kasong Theft sa Brgy. Tapulang, Maayon, Capiz.
Kinilala ang akusado na si Recardo Sagles, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.
Siya ay inaresto ng kapulisan Miyerkoles ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Filpia Del Castillo, Presiding Judge, Municipal Trial Court, 6th Judicial Region, Maayon, Capiz nito lang Oktobre 8.
Php10,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantala nitong paglaya.
Pansamantala itong ikinulong sa Maayon PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Maayon PNP sa pamumuno ni PMaj. Christopher Candelario, at ng 1st Capiz PMFC sa pangunguna ni PLt. Jay Lagan.
Continue Reading