Connect with us

Aklan News

2 LASING NA UMIWAS SA CHECK POINT AT NAGPAHABOL SA PULIS, KALABOSO

Published

on

Photo: Kalibo Municipal Police Station

Kalibo – Kalaboso ang inabot ng dalawang lasing matapos umanong umiwas sa check point at nagpahabol pa sa mga pulis.

Nabatid na bandang alas 9:00 kagabi nang mapadaan sa check point sa Roxas Avenue, Kalibo ang nagmomotorsiklong sina Alex Mabini, 25 anyos ng Tambak, New Washington at angkas nitong si Ryan Andrade, 32 anyos ng Poblacion, New Washington.

Pinara umano sila ng mga pulis, subalit pinaharurot umano ni Alex ang kanyang motorsiklo kung saan muntik pa umano nilang mabangga ang mga pulis, ngunit kaagad silang hinabol ng mga ito hanggang maabutan sila sa bahagi ng Archbishop Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Dahil dito, doon narin nalaman na kapwa mga lasing ang dalawa at naging arogante pa umano habang kinakausap ng mga pulis.

Kaagad naman silang dinala sa Kalibo PNP Station at tinikitan dahil sa paglabag sa curfew, maliban sa walang suot na facemask si Alex.

Karagdagang paglabag pa sa sagutin ni Alex dahil wala itong lisensya, OR/CR ng motorsiklo, modified muffler o tambutso, at reckless driving.