Capiz News
Lalaki na nabaril ang kasama matapos mapagkamalang baboy-ramo, pinalaya
Pinalaya ng Jamindan Municipal PNP ang lalaki na nabaril at napatay ang kaniyang kasama matapos mapagkamalang ito ay isang baboy-ramo.
Matatandaan na nabaril ni Teller Glorian, 39-anyos, ang kasama nito sa pangangaso na si James Valaquio, 27-anyos, mga residente ng Brgy. Agbun-od, Jamindan, Capiz nitong Martes ng umaga.
Pinalaya ang suspek matapos maghain ng affidavit of non-interest to file a case ang pamilya ng biktima.
Ibinasura rin ng korte ang isinampang kaso ng kapulisan laban sa suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 matapos marekober sa suspek ang 12 gauge homemade shotgun.
Matatandaan na nangangaso ang suspek at ang biktima nang makita ng suspek na may gumagagalaw sa damuhan at sa pag-aakalang ito ay baboy-ramo ay binaril niya ito. Laking gulat nalang niya nang mapag-alama na ito ay kaniya palang kasama.
Dinala pa sa Rural Health Unit ang biktima pero dineklara itong dead on arrival.