Connect with us

Aklan News

SUPPLEMENTAL APPROPRIATION ORDINANCE HILING NI KALIBO MAYOR LACHICA SA SANGGUNIANG BAYAN PARA SA PLANONG P691M LOAN AGREEMENT SA DBP

Published

on

Hinihiling ni Kalibo Mayor Emerson Lachica sa Sangguniang Bayan na magawan ng supplementary appropriation ordinance ang 691-million pesos na loan agreement sa Development Bank of the Philippines o DBP.

Ayon kay Lachica, ang supplemental appropriation ordinance ay isa sa mga requirement ng DBP upang maaprubahan at ma-release ang kanilang loan.

Dagdag pa nito na hindi rin maaaring ma-implement ang mga proyektong nais pondohan ng nasabing loan kung wala ang approval ng sangguniang bayan sa pamamagitan ng supplemental appropriation ordinance.

Aniya, noong Setyembre 13 ay nagpadala siya ng letter of appeal sa sangguniang bayan ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang sagot na natatanggap.

Samantala, ipinahayag ng alkalde na maituturing na ipinagkakait sa Kalibonhon ang mga magaganda at maayos na proyektong maari nilang matamasa dahil sa mga delay na ginagawa ng sangguniang bayan.

Katunayan aniya ay noong Nobyembre 2019 pa siya binigyan ng awtoridad na makapag-loan kung saan napagkasunduan na nila ito ng sangguniang bayan at malinaw kung ano ang mga proyektong nais pondohan.

Kaugnay nito, umaasa si Lachica na mapagbigyan ang kanyang hiling na magawan ng supplemental appropriation ordinance ang 691-million pesos upang buo itong mai-release ng bangko para sa mga proyekto sa bayan ng Kalibo.