Connect with us

Aklan News

HINIHINTAY NA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG NEW WASHINGTON, MAIBIBIGAY NA!

Published

on

Photo Courtesy| catbalogan.gov.ph

Matatanggap na ng mga senior citizen sa bayan ng New Washington ang kanilang hinihintay na social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa darating na Oktubre 18 hanggang 20.

Ayon kay Mayor Shimonette Francisco ito ay para sa second semester o para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Paglilinaw ng mayora na natagalan ang distribusyon ng naturang social pension dahil sa nagkaroon ng problema sa DSWD Region VI dulot ng pandemya.

Aniya hindi sa lokal na pamahalaan ang problema dahil sa hindi naman sila ang humahawak ng naturang pera.

Dagdag pa nito na hindi lang ang bayan ng New Washington ang binibigyan ng DSWD ng nasabing pension kundi ang lahat ng bayan sa probinsiya ng Aklan pati na ang buong rehiyon 6.

Saad pa ni Francisco na bigayan lamang ang nangyayari dahil noong nagdaang pay-out ay sila ang nauna sa distribusyon kaya ngayon ay nasa huli naman ang bayan ng New Washington.

Ang pay-out o distribusyon ng naturang ayuda para sa mga senior citizen ng nasabing bayan ay isasagawa sa barangay Candelaria at barangay Ochando.

Samantala, ang bayan ng New Washington ang pangalawang may pinakamalaking numero ng mga senior citizen sa buong probinsiya ng Aklan.