Connect with us

Aklan News

TTMD : KALIBO MAY 687 REHISTRADONG BIKERS; MGA BIKERS, PINAALALAHANANG MAGSUOT NG SAFETY GEARS

Published

on

Photo Courtesy: Petix Akean

Mayroong mahigit 687 na bikers ang naka-rehistro sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Transport and Traffic Management Division (TTMD) head Ms. Vivien Briones, ang nasabing numero ng mga registered bikers ay para sa taong 2021.

Samantala, nilinaw ng hepe ng TTMD na na-misinterpret lamang ng mga bikers sa bayan ng Kalibo ang isinagawang Oplan Sita ng Kalibo PNP.

Aniya, pinaalalahanan lamang ang mga bikers at hindi sila hinuli o tiniketan.

Pinagsabihan lamang ayon sa kanya ang mga nagbibisikleta na magsuot ng helmet at ibang safety gears para sa kanilang kaligtasan habang sila ay nasa kalsada.

Dagdag pa ni Briones na mali ang pagkaka-intindi ng mga bikers dahil hindi driver’s licence ang kanilang hinahanap kundi licence plate/stickers.

Katunayan aniya ay hindi sinisita ng Kalibo PNP ang mga bikers na walang stickers dahil ang ginagawa lamang nila ay pinagsasabihan ang walang suot na protective gears.

Kaugnay nito, ipinanawagan ni Briones sa mga bikers na nais magparehistro at magkaroon ng licence stickers ang kanilang mga bisikleta para sa taong 2022 ay magpunta lamang umano sa kanilang opisina.

Wala rin aniyang specific na bahagi ng bisikleta na kailangan paglagyan ng mga stickers dahil ang importante ay maging visible ito o madaling makita.

Nagkakahalaga naman ng 100 pesos ang kailangan bayaran sa pagpaparehistro na magagamit sa buong taon.