Aklan News
GUN MAN NA BUMARIL-PATAY SA BANKER NA SI JONALYN MARIBOJO, PINANGALANAN NA NG NUMANCIA PNP
Pinangalanan na ng Numancia PNP ang gun man na bumaril-patay sa banker na si Jonalyn Maribojo nitong Oktubre 5, sa Camanci Norte, Numancia.
Sa ginanap na press conference ng Numancia PNP, pinangalanan ni PLt.Rene Armenio, officer in charge ng Numancia PNP ang gun man na si Bernie Tipay, 40 anyos ng Navitas, Numancia.
Ayon pa kay Armenio, 5 pa ang kasabwat ni Tipay sa nangyaring krimen, na sinampahan na rin umano nila ng kasong murder.
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa ang rin ang kanilang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang motibo ng pamamaril at kung sino ang nasa likod nito.
Samantala, napag-alaman na nagkaroon na rin dati ng kasong paglabag sa RA 9262 at Alarm and Scandal ang suspek na si Tipay
Continue Reading