Connect with us

Aklan News

PULIS NA NAKIAPID SA GURO NA MAY ASAWANG OFW, NA-RELIEVE NA SA PUWESTO

Published

on

Narelieve na sa puwesto ang pulis na nahuling nakikipagrelasyon sa isang guro na asawa ng isang OFW.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Provincial Director PCol. Ramir Perlito Perlas, sinabi nito na ngayon ay pansamantalang naka-assign sa holding facility ng APPO ang nasabing pulis habang hinihintay pa ang direktiba mula sa Police Regional Office VI.

Kinumpiska rin ang kanyang mga ID at baril upang hindi na niya magamit pa sa kalokohan ang kanyang pagiging pulis.

Ayon pa kay Perlas na ang hahawak sa kaso ng nasabing pulis ay ang Regional Internal Affairs Service o RIAS.

Dagdag pa ng opisyal na magkakaroon din ng summary hearing upang bigyan ng pagkakataon ang pulis na mapakinggan at maihayag ang kaniyang dahilan kung bakit niya nagawa ang naturang bagay.

Ang naturang summary hearing ay mangyayari lamang sa oras na mag-i-indorso na ng Regional Director ang kaso ng nasabing pulis sa RIAS.

Samantala, ipinahayag ni PCol. Perlas bago sila nagsumite ng kanilang Investigation Report ay nagsagawa na sila ng pre-charge evaluation kung saan na-established nila na mayroong violation ang nasabing pulis na Grave Misconduct matapos itong sampahan ng kaso sa ilalim ng Revised Penal Code.

Maliban dito ay mayroon pa umano itong ibang violation sa kanyang pagiging isang police officer.

Dahil dito ay dalawang kaso ang isinampa laban sa naturang police officer kung saan maituturing na triable sa Regional Office Level kung saan ang maximum penalty nito ay pagka-dismiss sa serbisyo sa pagiging isang pulis.