Aklan News
ILANG BARANGGAY SA NUMANCIA, BINAHA DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN KAHAPON


Numancia – Tinatayang umabot sa walong barangay sa bayan ng Numancia ang naapektuhan ng baha dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan kahapon.
Ayon Kay Numancia MDRRMO Head Arvin Tolentino na mahigit isang-daang indibidwal ang na-rescue at dinala sa evacuation area ng nasabing bayan.
Kabilang umano sa mga barangay na apektado ay ang Brgy. Poblacion, Joyao-Joyao, Aliputos, Marianos, Navitas, Alvasan, Dungon East, Dungon West, at Badio.
May mga barangay din umano kahapon na alas 4:00 palang ng hapon ay hindi na madaanan ng sasakyan dahil sa lalim ng tubig-baha.
Wala naman umanong naiulat na mga casualties sa nasabing bayan dahil sa malakas na ulan at baha.
Sa ngayon ay nakikapag coordinate pa ang MDRRMO Numancia sa Social Welfare Office ng nasabing bayan kung ilang pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa nasabing bayan.