Aklan News
AKELCO LINEMAN NA NAKURYENTE MATAPOS RUMESPONDE SA KASAGSAGAN NG MATINDING PAG-ULAN SA AKLAN, NASA MABUTING KALAGAYAN NA
Nasa mabuting kalagayan na ang linemen ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) matapos makuryente habang nasa trabaho noong kasagsagan ng malakas na ulan noong Sabado, Oktubre 23.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Engr. Jude Ropa, head ng Engineering Department ng Akelco, sinabi nito na nakalabas na ng Intensive Care Unit o ICU ang lineman na kinilala kay Ronel Trigo ng Makato, Aklan.
Ayon Engr. Ropa nahulog umano ang kanilang lineman na si Trigo at maswerteng bumagsak sa ilang kable rin ng telepono.
Aniya, secondary line na walang power ang nakakuryente kay Trigo.
Pahayag pa ni Ropa na rumesponde umano si Trigo at dalawa pang kasamahan nito sa bahagi ng Rizat Street matapos makatanggap ng reklamo na wala umanong ilaw sa nasabing lugar.
Si Trigo ay presenting naka-assign sa Andagao Sub-station ng Akelco.
Samantala, magugunitang kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan noong Sabado ay nakaranas din ang buong probinsiya ng Aklan patay-sinding suplay ng kuryente.