Aklan News
NEGATIVE RT-PCR HINDI NA KAILANGAN PARA SA BORACAY TOURISTS MULA SA PANAY ISLAND AT GUIMARAS PROVINCE
Hindi na kailangan ng negative RT-PCR ang mga turistang pupunta sa isla ng Boracay mula sa Panay island at Guimaras Province.
Sa halip na Negative RT-PCR, maaari nang magsubmit ng VaxCertPH Covid-19 Vaccination Certificate na maaaring ma-download mula sa https://vaxcert.doh.gov.ph ang mga Boracay tourist.
Ito ay epektibo ngayong araw ng Martes, Oktubre 26, 2021 batay sa inilabas na Advisory ng Aklan Provincial Government.
Sakaling hindi available ang VaxCertPH, kinakailangan ng mga turistang magpakita ng Negative RT-PCR Test Result na may validity na 72 oras mula sa araw na extraction at iba pang kailangang requirements.
Samantala, hindi naman hinahanapan ng VaxCert ang mga bata dahil hindi pa nababakunahan ang mga ito.
Sa kabilang banda, nakapaloob din sa ipinalabas na advisory ng gobyerno probinsiyal ang curfew hours sa probinsya ng Aklan.
Mula sa dating curfew hours na 8:00 PM hanggang alas-4:00 AM ginawa na itong alas 9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Habang maari namang mag-operate ang mga business establishments mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.
Sa ngayon, ang probinsiya ng Aklan ay nananatili pa rin sa General Community Quarantine (GCQ).