National News
Plastic barrier sa mga pampublikong sasakyan, pwede nang alisin – DOTr
Hindi na kailangan ang paglalagay ng mga plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Assistant Transportation Secretary for road transport Mark Steven Pastor sa isang presscon, wala naman raw kasing medical findings na nagsasabing napipigilan nito ang pagkalat ng COVID-19.
“Drivers and operators can already remove them because there are no medical findings, based on our studies, that they can prevent the spread of COVID-19. Instead, the virus could stick to them,” aniya.
Pero sa kabila nito, iginiit ng DOTr na mahigpit pa ring ipapatupad sa mga sasakyan ang mga health safety measures.
Matatandaang noong Agosto, sinabi ni Philippine College of Physicians president Dr. Maricar Limpin na posibleng dumikit ang virus sa mga plastic at makahawa ng tao.
Samantala, papayagan na rin simula Huwebes, Nobyembre 4, ang 70% dagdag-pasahero sa mga pampublikong sasakyan katulad ng jeep, bus at maging mga tren.
Pero epektibo palang ito sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bilang paghahanda ara sa nalalapit na Kapaskuhan.