Aklan News
BINATANG NAINSULTO SA INUMAN NANAKSAK NG DALAWA
Isa sa dalawang lalaki ang sugatan matapos saksakin bandang alas 7:50 kagabi sa Sitio Sumaeagi, Aranas, Balete.
Nakilala ang biktimang sugatan na si Joolito Nerbiol, 44 anyos, at ang unang sinaksak na si Norberto Vacnot, 27 anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Kian Gabino, 18 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng pulis, nag-iinuman noon ang biktima at si Vacnot kasama ang ilang kapamilya nang dumating ang lasing na si Gabino.
Nagtalo umano sila ni Vacnot sa hindi nalamang dahilan, hanggang sa umuwi ang suspek at bumalik kinalaunan na may dalang itak.
Una umano nitong sinaksak-taga si Vacnot, na suwerte namang nakaiwas, subali’t ang biktima namang si Nerbiol ang kanyang napagbalingan at inundayan ng saksak.
Nagtamo umano ito ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan na kaagad namang isinugod sa ospital.
Samantala, tumakas naman kagabi ang suspek, subali’t pasado alas 6:00 kaninang umaga nang sumuko ito sa Balete PNP Station.
Nang makapanayam ng Radyo Todo, aminado naman ang suspek sa ginawa, habang ikinikuwento ang nangyari.
Ayon kay Gabino, susuntukin niya sana si Vacnot dahil sa tila pag-iinsuto nito sa kanya, subali’t umuwi umano ito, matapos silang awatin.
Bumalik umano ito kinalaunan na may dalang itak, at hinamong lumabas ng bahay si Vacnot.
Kinalaunan, ang biktima namang si Nerbiol ang kanyang nakita at sinaksak matapos magtago sa loob ng bahay si Vacnot.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan si Nerbiol, sanhi ng pananaga ng suspek.
Samantala, kasalukuyang nasa kostodiya ang suspek para sa karampatang disposisyon.