International News
Walang Pinoy na nadamay sa Japan Halloween attack – PH Embassy
Sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Japan na walang naiulat na Pilipinong nadamay sa nangyaring Halloween train attack sa Tokyo nitong Undas.
Ayon kay Philippine Embassy Japan Chargé d’Affaires Robespierre Bolivar, mahigpit nilang minomonitor ang pangyayari kaugnay ng pag-atake ng 24 anyos na lalaking nagsuot ng Joker costume sa loob ng isang tren sa Tokyo.
“The Philippine Embassy is closely monitoring the situation. As of today, we have not received any reports of Filipinos among the injured during the train attack,” ani Bolivar.
Sa umpisa ay inakala pa raw ng mga pasahero na kaparte lang ito ng Halloween trick pero nag-amok ito at nagsimula ng sunog sa tren.
“At first I thought it was something like a Halloween event. But I rushed away as a man carrying a long knife came in. I was very fortunate not to be injured,” ayon sa isang lalaking saksi sa insidente.
Hindi bababa sa 17 ang sugatan at isa ang nasa kritikal ang kondisyon sa naganap na pang-aatake.