Connect with us

Aklan News

BORACAY TOURIST ARRIVAL NGAYONG OKTUBRE MAS MATAAS NG 80% KUMPARA SA BUWAN NG SETYEMBRE

Published

on

Photo Courtesy: Jack Jarilla

Mas mataas ng 80% ang naitalang tourist arrival sa isla ng Boracay sa buwan ng Oktubre kumpara noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Umabot na kasi sa 32, 452 ang bilang ng mga dumadayong turista sa isla nitong Oktubre na mataas kung ihahambing sa tala noong Setyembre na mayroon lamang 6,702.

Batay sa listahan ng Malay Tourism Office, 22,251 ang mula sa National Capital Region (NCR), 2935 sa CALABARZON, 2049 sa Central Luzon, 1419 sa Western Visayas, 1476 ang Aklanons at ang natitira ay mula sa iba pang panig ng bansa.

Inaasahang mas tataas pa ang numero ngayong nalalapit na ang holiday season.

Magugunitang tinanggal na ang negative RT-PCR requirement sa mga fully vaccinated na turistang pupunta sa Boracay mula sa Panay island at Guimaras Province mula Oktubre 26, 2021.

Sa halip na Negative RT-PCR, maaari na silang magsubmit ng VaxCertPH Covid-19 Vaccination Certificate na maaaring ma-download mula sa https://vaxcert.doh.gov.ph.

Binabalak na rin ng Aklan Provincial Government na tuluyang tanggalin ang swab test requirement sa mga turistang “fully vaccinated” mula sa ibang parte ng bansa kapag naabot na ang vaccination target sa Boracay.