Aklan News
MANGINGISDA, TINAMAAN NG KIDLAT, PATAY


Idineklarang dead on arrival ang isang mangingisda matapos itong tamaan ng kidlat kaninang alas-7:30 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Gabriel Inan, 23-anyos at residente ng Sitio Baybay New Buswang, Kalibo.
Napag-alamang galing sa pamamalakaya ang biktima kasama ang dalawa pang mangingisda na kinilalang sina Cristian Pinos at Edwin Pinos na kapwa mga residente rin ng nasabing barangay.
Kaka-daong pa lamang umano ng bangka ng mga biktima sa lambingan beach ng biglang kumidlat at tinamaan si Inan.
Ligtas naman ang dalawa nitong kasamang mangingisda.
Continue Reading