Aklan News
PAGREPAIR SA MGA NASIRANG KALSADA DAHIL SA MATINDING PAG-ULAN, INUMPISAHAN NA NG DPWH-AKLAN


Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Aklan ang pagsasa-ayos ng mga nasirang kalsada dulot ng matinding pag-ulan sa mga nagdaang linggo sa probinsiya ng Aklan.
Ayon kay DPWH-Aklan Chief Maintenance Division Engr. Joey Ureta, nasira ang nasabing mga kalsada dahil malambot ang mga inilagay na aspalto.
Dahil dito ay nagdesisyon siyang gumawa ng sariling timpla ng aspalto sa makalumang paraan kung saan mas matibay umano ito kumpara sa naunang inilalagay nila.
Paglilinaw pa nito na ang mga kalsadang nasira ay dati ng tinapalan ng aspalto.
Sa ngayon ayon kay Ureta ay patuloy ang isinasagawang pag-aayos ng kanilang mga tauhan sa nasirang kalsada.
Inu-umpisahan nang ayusin ng DPWH-Aklan ang national highway na sakop ng Eastern section ng probinsiya mula sa bayan ng Banga hanggang bayan ng Altavas.
Ang sa Western section naman ay hindi pa nasisimulan dahil sa hinihintay pa nila ang budget para dito.
Ngunit aminado siya na hindi nila ito matatapos sa loob lamang ng isang buwan.
Ayon pa sa kanya mahalaga ang pagkakaroon ng de-kalidad na kalsada para sa ikabubuti ng nakararami lalo na ng mga motorista.