Aklan News
MGA MOTORISTANG DUMADAAN SA NASIRANG KALSADA SA UNIDOS, NABAS WALANG DAPAT IKABAHALA
Walang dapat ikabahala ang mga motoristang dumadaan sa nasirang kalsada sa barangay Unidos, Nabas.
Ayon kay Nabas Mayor James Solanoy, passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang nasabing kalsada ngunit half lane lamang nito ang puwedeng gamitin.
Ito ay upang maiwasan ang pagsabay-sabay ng mga sasakyan sa bahagi ng kalsada dahil sa ngayon ay temporary pa lamang ang solusyong ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Aklan para dito.
Sa ngayon kasi ayon kay Solanoy ay nilagyan lamang nila ng sand bag ang kalsada bilang suporta ngunit ipinasiguro nitong matibay ito at maaring gamitin.
Napag-alaman na wala pang budget ang DPWH-Aklan para sa pagsasa-ayos ng nasabing kalsada kung saan humihingi sila ng emergency fund upang mapadali ang pagsasa-asyos na nasabing kalsada.
Dagdag pa ni Solanoy na ginagawa nila ang lahat na mapadali na ang paggawa ng nasirang kalsada upang hindi maapektuhan ang mga turistang dumadaan sa naturang national highway patungong isla ng Boracay.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Mayor Solanoy sa mga motorista na huwag matakot na daanan ang bahagi ng national highway dahil ito ay matibay at maaring dumaan ang maliit at malalaking sasakyan.