Aklan News
6 NA BAYAN SA AKLAN, NAKATANGGAP NG SOLID WASTE MANAGEMENT EQUIPMENT MULA SA DENR
Nakatanggap ng solid waste management equipment ang anim na bayan sa Aklan mula sa Environmental Management Bureau Region 6 ng Department of Environment and Natural Resources.
Ang nasabing solid waste management equipment na nakalaan sa 40 LGUs sa Western Visayas, ay binubuo ng Biodegradable Waste Shredder, Composter, at New Solar Powered 4G Network Camera Kit.
Layon ng EMB Region 6 na matulungan ang mga pamahalaang lokal na paigtingin ang mga paraan ng pagbabawas ng solid waste sa mga waste facilities, alinsunod sa Section 8 ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Makatutulong din umano ang mga solid waste management equipment upang gawing pataba ang mga diverted waste, ayon kay EMB 6 Regional Director Atty. Ramar Niel V. Pascua.
Ang anim na bayan sa Aklan na nakatanggap solid waste management equipment ay ang Balete, Banga, Batan, Nabas, New Washington at Numancia.
Kabilang din sa 40 LGUs ang 7 bayan mula sa Antique, 8 mula sa Capiz, 2 mula sa Guimaras, 14 mula sa Iloilo, at 3 mula sa Negros Occidental.