Connect with us

National News

DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE-CAPRIO, NAGLABAS NG PAHAYAG KAUGNAY NG KANYANG PAGTAKBO SA PAGKA-BISEPRESIDENTE

Published

on

Sara Duterte

Nagpalabas ng isang video message si Davao City Mayor Sara Duterte ngayong Linggo kaugnay ng kanyang pagtakbo bilang bise-presindente sa halalan sa Mayo 2022.

Ayon sa video na in-upload sa kanyang Mayor Inday Sara Duterte Facebook page, sinabi ng presidential daughter na sa kabila ng kanyang naging desisyon na huwag nang tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan, hindi umano tumigil ang panawagan ng kanyang mga taga-suporta  kahit na lumampas na ang deadline ng filing of candidacy noong ika-8 ng Octubre.

Nakatanggap umano siya ng “offer” na naging oportunidad upang para sagutin niya ang panawagan ng mga tao na pagsilbihan ang kanyang bayan.

Nanawagan din si Sara Duterte sa kanyang mga supporters na maging kalmado kasabay ng paalala na ang lahat ng mga nangyayari ay bahagi lamang ng politika.

“I appeal to all supporters to stay calm.  The problems of PDP are their own. Let them resolve their issues within their party.  This is all politics and this will not matter in the years to come.  Or even now,” ani Duterte.

Dagdag pa niya, higit na mas kailangang tutukan ang pagbangon ng bansa at ang kapakanan ng taumbayan.

Matatandaang nagpalabas ng video interview kahapon ang kampo ni Pangulong Duterte  kung saan sinabi niya na hindi niya maintindighan kung bakit tatakbong bise-presidente si Sara gayong mataas siya sa survey ng pangka-pangulo.

Continue Reading